Home » , , » Katawan ni Mark, pinuno ng tattoo

Katawan ni Mark, pinuno ng tattoo

PUNO ng Henna tattoo ang likod, upper arms at dibdib ni Mark Herras nang makausap namin sa taping ng Diva, pero good for two weeks lang daw ang tattoo na ‘yun dahil kahit gusto at frustration niyang magpa-tattoo, bawal lang sa kanya.

Hindi problema sa Diva at sa Langit Sa Piling Mo ang tattoo dahil natatakpan ng kanyang damit. Kahapon, ngayon at bukas magti-taping si Mark para sa Langit sa Piling Mo, pero bago ito umere, mawawala muna ang karakter niya sa Diva at maganda ang rasong naisip ng mga writer sa pagkawala ni Smith (his character) sa kantaserye.

Inamin ni Mark ang nabalitang siya na ang humahawak ng kanyang pera, pero itinangging ginawa niya ito dahil sa impluwensya ni Nadia Montenegro, ina ng GF niyang si Ynna Asistio.

“Ang pera kong ’yun ay three to four years ko pang gustong kunin sa tito ko, ’di ko kinukuha at akala ko sasama ang loob nila sa akin. Ang hindi ko alam, they were just waiting for me pala na kunin ang pera ko at ibinigay naman nila. Matanda na ako, sinisimulan ko lang maging independent, mahirap, pero alam kong matututo ako,” wika ni Mark.
source: journal online
Share/Save/Bookmark ...more entertainment news, watch your favorite pinoy channel and listen to your favorite radio station for free,.! only @ www.aruysuy.com!
Share this article :

0 comments:

Post a Comment

ABS-CBN

Starmometer

Pinoy Parazzi

Popular Posts:

 

Copyright © 2013. Philippine Entertainment Showbiz News Online - All Rights Reserved

Proudly powered by Blogger